Tagalog news: Halalan ng Barangay, SK sa Oktubre, pinaghahandaan na ng Comelec-Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 25 (PIA) — Sinisimulan na ng Provincial Commission on Elections (COMELEC) ang paghahanda sa darating na Synchronized Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre.

Ayon kay Information Officer Jomel Ordas ng Office of the Provincial Election Supervisor, hinihintay pa nila ang ipabababang guidelines base sa inamyendahang resolusyon ng Comelec national office para sa halalang pang-barangay.

“May mga pagbabago kasi sa sistema, kung saan ang mga may edad 15-30 anyos ang boboto ng Sangguniang Kabataan (SK). Tinatawag itong “Katipunan ng Kabataan”, paliwanag ni Ordas sa isinagawang “Kapihan sa Philippine Information Agency (PIA)”.

May edad 18-24 anyos naman ang maaaring kumandidato at ihalal na SK, ayon kay Ordas.

Pinaalalahanan din ng tagapagsalita ng Provincial Comelec ang mga mamamayan sa patakaran sa nagpapatuloy na voter’s registration.

“Hindi po puwede ang transfer, new applicant at magpapa-reactivate lamang ang tinatanggap sa registration ngayon.” Dagdag pa ni Ordas.

Samantala, ang pondong gagamitin sa gagawing halalan ay manggagaling sa 10 percent ng general fund ng barangay na nakalaan para sa SK. (LBD/PIA4B-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s