Tagalog news: 2 truck ipinagkaloob sa mga magsasaka sa bayan ng Naujan

CALAPAN, Oriental Mindoro, Hulyo 25 (PIA) – Dalawang truck na nagkakahalaga ng P4 milyon ang ipinagkaloob kamakailan ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng proyektong Philippine Rural Development Project Investment in Rural Enterprises for Agriculture and Fisheries Productivity (PRDP-IREAP) sa Naujan Farmers Association.

Ang samahan ang nagtataguyod ng Oriental Mindoro Calamansi Trading Center na isa sa mga proyektong sinusuportahan sa ilalim ng PRDP.

Ang pagkakaloob ay isinagawa sa kapitolyo na pinangunahan ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr. kasama ang mga kinatawan mula sa Department of Agriculture (DA)-Mimaropa. Ito ay tinanggap ng presidente ng asosasyon na si Conrado L. Balmes.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Umali na ito na ang katuparan ng programa ng pamahalaang panlalawigan sa pakikipagtulungan sa DA upang muling palakasin ang industriya ng kalamansi sa lalawigan. Ayon pa sa gobernador, sunod na tututukan at pauunlarin ang iba pang produktong agrikultural ng lalawigan tulad ng saging at niyog.

Bukod pa aniya rito, sa naunang bahagi ng PRDP, umabot na sa P54M ang naipagawang farm-to-market roads at inaasahang sa taong ito ay may karagdagan pang P76 milyon na maipatatapos.

Buong suporta naman sa adhikaing mapaunlad ang agrikultura ng lalawigan ang paabot ni DA Region IV-B Agri Marketing Assistance Division Head Nida San Juan.

“Hindi magiging matagumpay ang programang ito kundi sa pakikiisa ng pamahalaang panlalawigan at ng proponent group. Sana ay makatulong ito sa lalawigan ng Oriental Mindoro para sa negosyong pagkakalamansi”, ayon kay San Juan. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s