Tagalog news: Pag-aalaga at pagkakalakal ng mga hayop, itinuro ng ProVet ng OrMin

CALAPAN, Oriental Mindoro, Hulyo 22 (PIA) – Masusing tinuruan kamakailan sa isang seminar na isinagawa rito ng Provincial Veterinary (ProVet) Office ang mga nag-aalaga at nagkakalakal ng mga hayop sa lalawigan.

Dinaluhan ito ng 37 byahero at mag-aalaga ng baka, kalabaw, baboy, kambing, itik, manok at iba pa, mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Oriental Mindoro. Binigyang-diin ng ProVet ang mga alituntuning nakasaad sa Animal Welfare Act upang maging gabay ng mga ito sa sa kanilang pagnenegosyo.

Itinuro rin sa kanila ang tamang pag-aalaga, pagbibyahe at pamamaraan ng pag-aalaga ng mga hayop habang nasa quarantine ang mga ito.

Ang gawain ay pinangasiwaan nina Provincial Veterinarian Dr. Grimaldo C. Catapang at Dr. Anna Rochelle A. Boongaling, PROVET Animal Production Division Head, na kapwa tumalakay sa usapin ng Animal Welfare, at Dr. Alfredo P. Manglicmot, PROVET Animal Health Division Head, na tumalakay naman sa mga patakaran sa pag-quarantine sa hayop.

Ayon kay Catapang, ito ay kauna-unahang pagpupulong na tumalakay sa mga suliranin at kalakaran sa mga negosyante at mag-aalaga ng hayop sa lalawigan.

Ang pag-aalaga ng hayop sa Oriental Mindoro ay tumutugon hindi lamang sa pangangailangan ng lalawigan bagkus sa pangangailangan din ng mga kalapit na lalawigan at lungsod sa rehiyon.

Sa kasalukuyan, mayroong mahigit 50,000 ang mag-aalaga ng hayop sa loob ng bakuran at 300,000 mag-aalagang hayop na nagkakalakal sa lalawigan.

Noong nakaraang taon ayon sa Animal Quarantine Services sa Calapan Pier malaking bilang ng mga hayop ang nailuwas mula sa Oriental Mindoro; 5,343 baka, 2,626 kalabaw, 41,793 baboy at 977 naman ay kambing.

Ang pagbibyahe ng hayop palabas ng lalawigan ay kalimitang isinasagawa ng mga negosyanteng nagbibyahe at nag-aalaga ng mga hayop sa buong taon.

Sa usapin ng pangangalakal, ipinaliwanag ni Boongaling ang tamang pangangalaga sa hayop mula sa pinanggalingan nito hanggang sa pamilihan at tinalakay naman ni Manglicmot ang proseso ng pag-quarantine sa mga hayop na iluluwas at paano aayusin ang mga papeles na kinakailangan sa pagbibyahe ng mga hayop.

Matapos ang isang araw na isinagawang seminar, nagkaroon ng halalan ng mga opisyales ng Oriental Mindoro Livestock Handlers and Dealers Association kung saan nahalal ang mga sumusunod: Pangulo, Francisco J. Cabatian ng Naujan; PangalawangPangulo, Renato S. Perez ng Bongabong; Kalihim, Geraldine M. Alo ng Bulalacao; Ingat-Yaman, Eden S. Sioco ng Socorro; Auditors, Bernabe A. Alo ng Bulalacao at Rolando G. Enriquez ng Bongabong; PROs, Felixberto D. Abarintos ng Baco at Donar A. Cillo ng Socorro; at Business Managers, Sierra S. Alba ng Bongabong at Romeo S. Semilla ng Pinamalayan. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s