Tagalog news: ‘Lingkod Barangay’, muling isinagawa ng pamahalaang lungsod ng Calapan

CALAPAN, Oriental Mindoro, Hulyo 21 (PIA) – Muling isinagawa ng pamahalaang lungsod ang mga serbisyo sa mga mamamayan ng lungsod sa pamamagitan ng programang Lingkod Barangay.

Isinagawa ang pinaka-huling pagbibigay serbisyo sa mga barangay ng Canubing II at Calero kamakailan lamang.

Ayon kay Mayor Arnan C. Panaligan, mahalaga ang ganoong pagkakataon na samantalahin ng mga tao ang aktibidad na kung saan ay hindi na sila lalayo pa at libre ang lahat ng serbisyong dinala dito. Ang mga gawaing ito ayon pa sa Alkalde ay bahagi ng One Calapan Program of Governance.

Ilan sa mga libreng serbisyo na ipinagkaloob sa mga mamamayan ng barangay ay dental at medical program, pagpaparehistro sa late registrants, pamamahagi ng binhi sa mga magsasaka, pagbibigay ng Solo Parent ID, Senior Citizens Pension Card, training para sa kababaihan, pamamahagi ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Nona, pagbibigay ng Socialized Medical Health Card o Gold Card at Registration para sa K to 12 scholars.

Bumaba rin ang City Public Employment Service Office (PESO) para sa mga naghahanap ng trabaho at ang libreng kasal kung saan tig-tatlong pares buhat sa barangay Canubing II at Calero ang binigyan ng matrimonya ng alkalde.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang mga isinasagawang Lingkod Barangay ng lungsod nang aka-angkla sa prinsipyong may pagmamahal, pagkalinga at pagmamalasakit ng pamahalaang lokal. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s