Tagalog news: 1,200 mangrove propagules, itinanim sa baybayin ng Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 21 (PIA) — Tulong-tulong na nagsagawa ng mangrove planting ang iba’t ibang sektor na binubuo ng pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa, Pioneer Foundation, Republic Industries Corporation, Inc., mga opisyales ng Barangay at Non-Government Organizations noong Hulyo 16, sa Purok Lupang Pangako ng Barangay San Jose sa lungsod.

Umabot sa 1,200 mangrove propagules ang naitanim ng halos 500 na partisipante sa nasabing aktibidad.

Ani Martini Spakowski, executive director ng Pioneer Foundation, ang gawain ay may temang “Our Earth, Our Responsibility” na may layong mabuksan ang kamalayan ng mga mamamayan ng lungsod na ang lahat ay may responsibilidad na pangalagaan ang kalikasan.

Samantala, sinundan pa ito kinabukasan ng isinagawang Forum on Climate Change at Reef Fix ocular inspection sa Tangdol Reef, isang fish sanctuary na matatagpuan sa Barangay Bancao-Bancao ng Puerto Princesa.

Nakiisa naman sa gawain ang mga diver ng Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Navy, kinatawan mula sa Oplan Linis, City Agriculture Office, opisyales ng Barangay at business sector. (LBD-PIA4B PALAWAN)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s