Tagalog news: 694 drug pusher, user sa Palawan sumuko sa PNP

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 20 (PIA) — Umakyat na sa 694 ang bilang ng mga drug personalities na kusang loob na sumuko sa iba’t ibang Municipal Police Stations(MPS) sa lalawigan ng Palawan habang may 101 naman ang bilang ng lumantad sa pamamagitan ng “Oplan Tokhang” sa loob ng nasa dalawang linggong operasyon ng pulisya.

Ito ay resulta ng maigting na pagtupad ng Palawan Provincial Police Office sa Project Double Barrel o PNP Anti-illegal Drugs Campaign Plan sa mga pamamaraang “Oplan Tokhang” at “Oplan Low-value target/High-value target”.

Ayon kay Police Superintendent Necerato Sabando Jr., deputy police provincial director for administration, indiksyon lamang ito ng epektibong kampanya ng kanilang hanay alinsunod sa direktiba ni PNP chief Ronald dela Rosa.

Nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng boluntaryong sumuko ang Narra MPS na umabot sa mahigit 200 at inaasahang patuloy pang madadagdagan.

“Maganda kasi iyong diskarte ng ating mga stations sa Project Double Barrel, tulad ng Narra, may “Oplan Gising” sila, kinatantahan ng mga pulis ang mga bahay ng mga drug personalities na kinakatok nila, may gamit pang mga maiingay na instrumento”, ani pa ni Sabando.

Naging katuwang din ng PNP ang komunidad sa panghihikayat sa mga sangkot sa iligal na droga na isuko sa mga otoridad ang kanilang sarili kasunod ng pagbabagong buhay.

Bilang bahagi ng proseso, matapos sumuko at makapanumpang hindi na babalik sa dating gawain, isinasailalim sa spiritual at moral guidance ang mga ito. Kabahagi rin ang Rural Health Unit Municipal Social Welfare and Development sa pagpapaliwanag tungkol sa masamang epekto ng ilegal na droga sa kalusugan at lipunan. (LBD/PIA4B-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s