Tagalog news: 2nd round ng National Deworming ng DOH isinasagawa sa Palawan ngayong Hulyo

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 19 (PIA) — Kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon ay isinasagawa din sa buong lalawigan ang 2nd round ng Expanded National School at Community-Based Deworming Month.

Ito ay itinataguyod ng Department of Health (DOH) sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd) at ng iba’t ibang lokal na pamahalaan.

Layon ng aktibidad na ito na mapababa pa ang kaso ng mga batang apektado ng bulate sa tiyan na sanhi ng panghihina, pagkawala ng gana sa pagkain at pagkakaroon ng mababang IQ ng ilang estudyante. Sa ilalim ng mas pinalawak na national deworming activity, ipinagsama na ang dating magkahiwalay na aktibidad ng DOH at ng DepEd na pagpupurga sa mga bata. Sa pamamagitan nito ay masisiguro na mas malawak ang magagamot na mga batang mayroong bulate sa katawan.

Ayon kay Provincial Nutrition Action Officer (PNAO) Rachel Paladan, ang lahat ng mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6 sa pribado at pampublikong paaralan sa 23 munisipyo sa Palawan ay bibigyan ng libreng gamot pampurga. Samantala, ang mga bata naman na hindi pa nag-aaral na may eded isa hanggang apat na taong gulang ay maaaring dalhin sa mga Rural Health Units at Barangay Health Stations upang mabigyan ng libreng gamot pampurga. Ito ay isinasakatuparan sa tulong ng mga Barangay Environment, Agriculture and Nutrition Scholars o BEANS at mga Barangay Health Workers.

Ipinaliwanag ni PNAO Paladan na ang mga sintomas ng batang mayroong bulate sa katawan ay pagiging maputla, payat, malnourish, malaki ang tiyan, walang ganang kumain at kung minsan ay may bahid ng dugo ang kanyang dumi. Kaya’t pinapayuhan niya ang mga magulang na mayroong mga batang maliliit na panatilihin ang kalinisan ng kanilang kapaligiran. Ugaliing magsuot ng tsinelas, siguruhing maikli at malinis ang mga kuko at palagiang maghugas ng kamay upang maiwasan ang pagpasok na bulate sa kanilang katawan. (PIO/OCJ-PIA4B Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s