Tagalog news: Rehabilitasyon, konstruksyon ng slope protection sa Calapan pinasinayaan

CALAPAN, Oriental Mindoro, Hulyo 15 (PIA) — Pormal na pinasinayaan kamakailan ang isinakatuparang Phase 1 ng rehabilitasyon ng kalsada at konstruksyon ng slope protection sa Brgy. Tawagan, lungsod ng Calapan.

Ang proyekto na pinondohan ng pamahalaang lungsod ay umabot sa halagang P3,587,968.96.

Saksi sa naturang pagbabasbas ang dalawa sa bagong halal na konsehal ng lungsod na sina Mylene de Jesus at Charles Pansoy kasama ang bagong halal na ikalawang pununglungsod na si Engr. Gil Ramirez at si City Mayor Arnan Panaligan na silang nanguna sa isinagawang ribbon cutting kasama ang kapitan ng nasabing barangay.

Ayon kay Barangay Captain Eulalio Mendoza, Sr., matagal nang suliranin ng kanilang barangay ang nasabing kalsada dahilan sa mababang lebel nito kung kaya’t animo’y nawawala ang daan patungo sa kanilang lugar sa tuwing tataas ang tubig sa ilog na tinatayang tumatagal ng halos dalawang oras araw-araw.

Kagawad pa aniya siya ng kanilang lugar ng magsumite sila ng resolusyon sa pamahalaan upang matugunan ang anila’y nilulumot ng suliranin na dulot ay pangamba sa mga residente ng barangay at panganib para sa mga kabataang dumaraan sa apektadong lugar.

Ayon pa kay Mendoza, malaking epekto ang dulot ng mababang kalsada para sa mga mag-aaral dahilan sa kinakailangan umanong magkansela ng klase ng mas maaga ang paaralan upang hindi abutin ng pagtaas ng tubig mula sa ilog ilog at makauwi ang mga bata sa kani-kanilang mga tahanan na nakatira sa nabanggit na barangay at karatig lugar nito.

Samantala, sinabi ni Mayor Panaligan na makakaasa ang mga mamamayan na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang rehabilitasyon sa natitirang bahagi ng kalsada na tinatayang nasa humigit kumulang pa sa isang daang metro dahilan sa pagkaantala ng pondo. Gayunpaman, siniguro nito na matutupad ang nasabing proyekto sa tulong ng bago at nagkakaisang konseho sa kasalukuyang termino. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s