Tagalog news: Libreng operasyon sa bingot at ngongo, isasagawa sa Romblon Provincial Hospital

ODIONGAN, Romblon, Hulyo 15 (PIA) — Ang Ruel Foundation & Philippine Band of Mercy ay magbibigay ng libreng gamot at libreng operasyon para sa mga bingot (Cleft Lip) at ngongo (Cleft Palate) sa Romblon Provincial Hospital sa bayan ng Odiongan.

Ayon kay Dr. Marvin Serrano, maituturing na isang global crisis ang pagkakaroon ng mga batang ipinanganak na may cleft lip at cleft palate kaya naman inialok ng kanilang grupo ang libreng surgery operation para sa mga bata.

Ang nasabing operasyon umano ay aabutin lamang ng 45 minuto at makapagbibigay na ito ng panibagong pag-asa para sa pasyente upang harapin ang kinabukasan na may ngiti sa kanyang mga labi.

Magsasagawa ng pre-screening sa ika-19 ng Hulyo sa mga pasyenteng nais sumailalim sa operasyon at magkakaroon ng final screening at admission sa unang araw ng Agosto 2016.

Ang libreng operasyon ay malaking tulong sa mga taga-Romblon na mayroong cleft lip and cleft palate na nais maisayos ang kanilang kapansanan.

Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, maaaring tumawag o magtext sa 09202390551 at hanapin lamang si Doc Marvin Serrano.(DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s