Tagalog news: Karagdadagang RESCUE 165 Operation Center ng Palawan pinasinayaan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 15 (PIA) — Pinasinayaan na ang karagdagang Rescue 165 Operation Center sa lalawigan kamakalawa.

Ang pasinaya ay pinangunahan ni Gilbert Baaco, Program Manager ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office. Ang Rescue 165 ay nasa ilalim din ng pangangasiwa ng PDDRMO.

Kasama rin si James Paul Inawasan, Project and Plans Management Officer ng lokal na Pamahalaan ng San Vicente bilang representante naman ni Mayor Carmela Pie Alvarez.

Ang Rescue 165 operation center sa San Vicente ay mayroong dalawang ambulansya at isang service vehicle na magagamit sa pagtugon sa mga emergency situations gayundin ang dagdag na trabaho na maibibigay nito sa mga mamamayan.

Sa kasalukuyan ay may apat ng Rescue 165 Operation Centers sa lalawigan na matatagpuan sa mga bayan ng Brooke’s Point, Aborlan, Roxas at San Vicente.

Ang programang ito ay naglalayon na mas mapabilis ang pagtugon sa mga oras ng emergency ng mga mamamayan ng lalawigan.

Ang bawat OpCen ay mayroong 24-hour hotline na maaaring tawagan ng mga residente. Ito ay nakalaan para sa mga nangangailangan ng agarang tulong lalo na sa medikal na aspeto, sa oras ng kalamidad at sakuna tulad ng sunog at baha.

Target naman ng PDRRMO na maglagay ng Rescue 165 operation centers sa lahat ng munisipyo kabilang ang mga island municipalities kung saan ilalaan ang mga bagong ambulansya na kamakailan lamang ay dumating sa Kapitolyo. Ito ay bahagi pa rin ng pagpapaigting ng mga programa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Jose Chaves Alvarez.

Samantala, nakatakda namang pasinayaan ang Rescue 165 Operation Centers sa mga bayan ng Dumaran at Quezon ngayong buwan ng Hulyo bilang pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan sa National Disaster Conciousness Month.

Nagpasa rin ng resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan na humihiling sa pamahalaang panlalawigan particular sa PDRRMO na magtatag din ng Rescue 165 operation center sa Calamianes Group of Islands na sumasakop sa mga islang munisipyo ng Coron, Busuanga, Culion at Linapacan. (OCJ/PIA4B-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s