Tagalog news: 224 kataong sangkot sa ilegal na droga, sumuko sa PNP Romblon

ROMBLON, Romblon, Hulyo 15 (PIA) — Kusang loob na sumuko sa pulisya ang may 224 kataong aminadong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Romblon.

Sa programang PIA Mimaropa Hour, sinabi ni PSupt. Raquel Martinez, chief, Police Community Relations Branch ng Romblon Police Provincial Office, na ang mga boluntaryong sumuko ay umaming may kaugnayan sa pagbebenta at paggamit ng ilegal na droga at sumumpang magbabago na.

Ito aniya ay resulta ng patuloy na implementasyon ng PNP Romblon sa “Project TokHang” sa buong lalawigan kung saan ang mga kusang loob na sumuko ay kanilang isinailalim sa profiling, counseling at lecture hinggil sa masamang epekto ng droga.

Ang hakbang na ito ng pulisya ay bilang pagsuporta sa krusada ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na naglalayong puksain ang droga na sumisira sa mamamayan partikular sa kabataan.(DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s