Tagalog news: Mga pulis sa bayan ng Odiongan, isinailalim sa random drug testing

ODIONGAN, Romblon, Hulyo 12 (PIA) — Ang mga kawani ng Odiongan Municipal Police Station ay sinorpresa ng kanilang hepe sa pamamagitan ng random drug testing noong nakaraang lingo kasabay ng ilan pang istasyon ng pulisya sa buong lalawigan.

Bahagi ito ng kampanya ng Romblon Police Provincial Office na isailalim ang lahat ng kapulisan sa lalawigan ng Romblon sa drug test.

Sinabi ni Police Inspector Manuel Fernandez Jr., OIC-Chief of Police ng Odiongan MPS, ang random drug testing na ipinatupad ay bahagi pa rin sa pinaiigting na kampanya laban sa ilegal na droga ni Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Aniya, ang sinumang pulis na magpopositibo sa drug test at mapapatunayan na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ay papatawan ng karampatang parusa o posibleng pagkatanggal nito sa serbisyo. Inaasahang ilalabas ang resulta ng random drug testing sa loob ng limang araw.

Ayon pa kay Fernandez, wala pa naman pulis na nakatalaga sa Odiongan Municipal Police Station ang nagpopositibo sa ilegal na droga simula nang siya ay maupo bilang hepe nito.(DM/LBR/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s