Tagalog news: One-Stop Resource Ctr para sa mga migrante, binuksan sa OrMin

CALAPAN, Oriental Mindoro, Hulyo 11 (PIA) – Binuksan na sa lalawigan ang One-Stop Resource Center for Migrants o OSRC na may layuning makapagkaloob ng iba’t ibang mga serbisyo at paglilingkod sa mga migranteng Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilyang naiwan sa bansa.

Batay sa database ng Oriental Mindoro Overseas Profiling ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), tinatayang nasa 17,908 Mindoreño ang nakikipagsapalaran ngayon sa ibang bansa bilang mga OFW o mga migrante.

Ang mga manggagawang ito ang mga itinuturing na bagong bayani na kung minsan ay nagbubuwis ng buhay at nagsasakripisyo upang mabigyan ng maayos na buhay at kinabukasan ang kani-kanilang pamilya. Mula sa kanilang mga pinaghirapan sa ibang bansa, malaking bahagdan din ang naiiambag ng mga manggagawang ito sa kabuuang pag-unlad ng Pilipinas.

Mahalaga lamang na tiyakin ng pamahalaan na natatanggap ng mga migranteng ito ang lahat ng tulong at suportang maaaring maipagkaloob sa kanila at sa kanilang pamilya.

Ang tanggapan na matatagpuan sa ikalawang palapag ng kapitolyo ay binuksan kasunod nang isinagawang Multi-Stakeholders’ Forum on Migration and Development na pinangunahan ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr., at dinaluhan ng mga ahensya ng pamahalaang asyunal at lokal.

Naging katuwang ng pamahalaang panlalawigan sa okasyon ang Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) at International Fund for Agricultural Development (IFAD).

Ang OSRC ay pangangasiwaan ng Employment and Education Services Division (EESD) sa ilalim ng Office of the Governor na pinamumunuan ni EESD Chief Antonio Magnaye, Jr.

Kaugnay nito, nilagdaan ng mga opisyal ng pamahalaan at ilang indibidwal ang Pledge of Commitment para sa pagtataguyod ng proyekto sa lalawigan na naglalayong maasistehan ang mga OFW na magkaroon ng mas maayos na buhay para sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s