Tagalog news: Mga family caregiver sa Mimaropa, tuturuan ng physical therapy exercises

LUNGSOD QUEZON, Hulyo 11 (PIA) — Tuturuan ng Department of Health-Mimaropa ang mga family caregiver o tagapag-alaga ng mga pasyenteng may pangmatagalang sakit ng mga simpleng physical therapy exercises.

Nilalayon ng mga ehersisyo na makatulong sa pagpapagaling ng mga pasyente.

Unang sinimulan ng ahensiya ang pagtuturo sa may pitong katao sa Damian Reyes Provincial Hospital ng Marinduque sa ilalim ng programa ng Telemedicine.

Matatandaang ang Damian Reyes Provincial Hospital ang unang pagamutan sa Mimaropa na naglaan ng kuwarto para sa mga nakakatandang maysakit.

Ang mga trainee ay tinuruan kung paano gawin ang Range of Motions—isang set ng ehersisyo na makakatulong maibsan ang pananakit pamamaga at paninigas ng mga kasukasuan (joints) ng pasyente. Mahusay rin ang Range of Motions sa sirkulasyon ng dugo at ng pagbabanat ng mga laman o muscle.

Dahil may mga pasyente na kailangan ng tulong mula sa pagligo, pagbibihis at pagpapainom ng gamot mula sa tubo, sinabi ni DOH-Mimaropa Regional Director Eduardo Janairo na importanteng maihanda ang kanilang mga family caregiver o mga tagapag-alaga.

Ani Director Janairo, hindi basta-basta ang family caregiving kaya dapat lang bigyang pansin ang mga tagapag-alaga para maihanda sila sa mga hamon sa pangangalaga ng pasyente nakadepende ang araw-araw na pagkilos sa kanila.

Napakahalaga din, aniya, na matutunan ng mga tagapag-alaga ang mga simpleng ehersisyo gaya ng Range of Motions para maipagpatuloy ang nasimulang therapy kahit naiuwi na sa bahay ang pasyente.

Tiniyak din ni Director Janairo na ibabahagi nila sa iba pang lalawigan ang pagtuturo ng mga simpleng physical therapy exercises para maging ang mga family caregivers ay makatulong din sa paghahatid ng batayang serbisyong pangkalusugan sa kumunidad. (LP/PIA4B)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s