Tagalog news: Implementasyon ng National Greening Program, ipagpapatuloy sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 11 (PIA) —- Upang maibalik ang luntiang kulay ng kagubatan ng Palawan ay pangangasiwaan ng Provincial Agriculture Office (PAO) ang implementasyon ng National Greening Program (NGP) sa lalawigan.

Ang Greening Program ay nagbibigay ng direktiba sa mga lokal na pamahalaan mula sa pamahalaang-nasyunal na suportahan ang malawakang kampanya sa pagtatanim ng mga punong-kahoy sa buong bansa.

Sa Palawan, ayon kay Franquito Paduga, OIC-Provincial Agriculturist, pangunahing pagtutuunan ng programang ito ang nakalbo nang bundok sa paligid ng Mount Mantalingan Protected Landscape (MMPL).

Base sa disenyo ng programa, ang pamahalaan ay magkakaloob ng libreng pananim (seedlings) tulad ng kape, cacao at teakwood, gmelina, brazilian tree at narra sa mga nagmamay-ari o claimants ng mga lupain sa paligid ng Mt. Mantalingahan. Sa bawat matatamnan ay makakatanggap ang umuukopa nito ng tulong pinansyal mula sa gobyerno na nagkakahalaga ng tatlong-libong piso.

Limang munisipyo ang nakakasakop sa Mt. Mantalingan, ito ay ang mga bayan ng Bataraza, Brookes Point, Quezon, Rizal at Sofronio Espanola, kung saan sa mga munisipyong nabanggit unang ipatutupad ang greening program, dagdag ni Paduga.

Ang kabundukang nabanggit ay may mahalagang papel sa ekolohiya ng lalawigan dahil dito matatagpuan ang maraming tubig-imbakan (watersheds) na dumadaloy sa mga lupang sakahan sa kapatagan na nakapaligid dito at mayaman din ito sa iba’t-ibang uri ng halaman at buhay ilang.

Ayon sa datos ng PAO, sa kasalukuyan ay umaabot na sa 519.21 ektarya ng mga lupain sa timog Palawan ang natatamnan bilang bahagi ng kabuuang target na 4,100 ektarya na sumasaklaw sa limang munisipyo.

Kapag lumago na ang mga punong itinanim at pwede nang pakinabangan ang bunga o produktong kahoy nito at maaari itong pagkunan ng tuloy-tuloy na kabuhayan para sa may-ari ng kani-kaniyang lupain. (PIO/OCJ-PIA4B Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s