Tagalog News: Bagong modified rescue vehicle, ipinagkaloob ng LGU Cajidiocan sa BFP

CAJIDIOCAN, Romblon, Hulyo 11 (PIA) — Ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa bayan ng Cajidiocan ay pinagkalooban ng bagong modified rescue vehicle ng lokal na pamahalaan upang magamit kapag magkaroon ng sunog.

Ang nasabing gamit na pamatay-sunog ay pinondohan ng LGU Cajidiocan ng halagang P1.120 milyon.

Ayon sa pamunuan ng Romblon Provincial Fire Marshal, na kulang ang fire truck sa mga malalayong bayan kung saan karamihan pa sa mga ito ay luma na at karag-karag kaya naaantala ang pagresponde ng mga ito kapag may sunog.

Sa pamamaghitan ng mga bagong kagamitan, tinatayang mas makakapaghatid ng mabilis na serbisyo at epektibo ang pagganap ng BFP Romblon sa kanilang trabaho.

Ikinagalak rin ng mga residente ng nabanggit na bayan ang pagkakaroon ng ganitong uri ng gamit dahil malaking tulong ito sa pagsasalba ng buhay at ari-arian kapag mayroong sunog sa kanilang lugar. (DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s