Tagalog news: 13 manlalarong Palawenyo sasabak sa Southern Luzon Batang Pinoy

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 11 (PIA) — 13 manlalarong Palawenyo ang sasabak sa gaganaping Southern Luzon Batang Pinoy Sports Summit-Southern Luzon Qualifying Leg sa Hulyo 25-30, 2016 sa Lungsod ng Lipa sa Batangas.

Ayon kay Sunshine Cabiguen, hepe ng Sports Development Division ng pamahalaang panlalawigan, sa kasalukuyan ay patuloy na nag-i-ensayo ang 13 manlalaro na kakatawan sa koponan ng lalawigan ng Palawan para sa nasabing torneo.

Makakalaban ng Palawan ang iba pang piling manlalaro mula sa iba’t-ibang probinsya sa Southern Luzon.

Ani Cabiguen, ang mga manlalaro na kakatawan sa Palawan ay mula sa mga munisipyo ng Cuyo, Brooke’s Point at Balabac kasama ang tatlong kawani ng Sports Development Division na magsisilbing coach at trainers.

Ang mga larong Sepak Takraw at Table Tennis ang nakatakdang ipamalas ng delegasyon ng Palawan para sa naturang palakasan laban sa iba pang nitong katunggali.

Nakipag-ugnayan narin si Cabiguen kay Dr. Servillano A. Arzaga, Schools Division Superintendent ng Department of Education (DepEd- Palawan) upang bigyan ng konsiderasyon ang mga batang atleta na makapagliban sa kanilang mga klase sa mga araw ng palaro.

Naniniwala naman si Cabiguen na ang mga manlalaro na kanilang napili ay mga quality athletes sa Palawan na magbibigay ng karangalan sa lalawigan, una nang napag-alaman na ang mga ito ay nakapagtala na ng panalo sa nakaraang mga palaro sa loob at labas ng lalawigan.

Nakatakda namang tunguhin ng delegado ng Palawan ang lungsod ng Lipa sa darating na ika-23 ng Hulyo, taong kasalukuyan

Ang mga magwawagi sa palakasang ito ang kakatawan sa rehiyon ng Southern Luzon para sa National Championship na nakatakdang ganapin sa Lungsod ng Dumaguete sa darating Oktubre 2016. (OCJ/PIA4B-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s