Tagalog news: Fishing industry, tututukan ng LGU Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 8 (PIA) — Bukod sa industriya ng turismo, tututukan na rin ngayon ng lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa ang fishing industry sa lungsod.

Ayon kay Mayor Lucilo Bayron, dahil mayaman din ang lungsod maging ang lalawigan ng Palawan pagdating sa yamang-dagat, isa narin ang pangisda sa mga makinaryang palalaguin ng pamahalaang panlungsod.

“Ipagpapatuloy natin ang turismo pero tututukan din natin ang fishing industry, imagine, 65% ng isda sa Navotas, galing sa Palawan na tayo dapat ang nakikinabang”, ani Bayron.

“Target din natin na makapag tayo ng Integrated Fish Port sa Puerto Princesa na sisimulan agad nating plano-hin ngayong taon.” Dagdag pa ni Bayron.

Layon ng pamahalaang panlungsod sa pagsusulong ng industriya na makapaglikha ng maraming trabaho at karagdagang hanap-buhay para sa mga mamamayan. (LBD/PIA4B-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s