Tagalog news: Bagong Director ng PNP Mimaropa Reg’l Ofc, tubong San Agustin, Romblon

SAN AGUSTIN, Romblon, Hulyo 8 (PIA) — Pormal ng naupo bilang bagong Regional Director ng Police Regional Office Mimaropa si Chief Superintendent Wilben Mayor na isang tubong San Agustin, Romblon, isang abogado at miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1985.

Si Chief Supt.Mayor ay naglingkod bilang spokesperson ng Philippine National Police sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Aquino.

Sa isinagawang change of command ceremony kahapon sa Camp Efigenio C. Navarro Grandstand, Calapan, Oriental Mindoro, nailipat na ang command ng Police Regional Office Mimaropa ni Chief Supt. Ramon C. Apolinario kay Chief Supt. Mayor.

Si Chief Supt. Apolinario naman ay inilipat bilang Officer-in-Charge ng Chief for Directorial Staff ng Philippine National Police.

Dinaluhan ang seremonya ng mga Provincial Directors ng buong MIMAROPA at ni PDir. Noel Lazarus Vargas, Director ng Directorate for Plans ng Philippine National Police.

Agad ding nagpatawag ng kauna-unahang command conference si Chief Supt. Mayor kasama ang mga Provincial Directors upang pag-usapan ang sitwasyon ng krimen sa mga lalawigan at ang pagpapatupad ng mga kautusan ng bagong PNP Chief.(DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s