Lathalain: ICT Council layunin makaambag sa higit pang pag-unlad ng OrMin

July 08, 2016

Malaki ang maiaambag ng Information and Communication Technology (ICT) Council sa pagsusulong nito sa usaping pang-teknolohiya sa Oriental Mindoro.

Matatandaang binuo ang ICT ng lalawigan kamakailan sa pamamagitan ng isang Executive Order na ipinalabas ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr.

Ang ICT Council ang magbubuo at magbabalangkas ng mga plano hinggil sa komunikasyon at teknolohiya na makakatulong sa pag unlad ng Oriental Mindoro. Ito ay binubuo ng mga pribado at pampublikong sektor na naglalayong i-promote ang ICT Industry sa mga bayan at mga lalawigan.

Ayon kay Umali, malaki ang magiging ambag ng pagkakabuo ng ICT Council na reresolba sa iba’t ibang problema na kinakaharap ng lalawigan sa teknolohiya at komunikasyon.

Ninanais din ng gobernador na mapasama ang lalawigan sa “Next Wave Cities”, partikular ang Lungsod ng Calapan sa sentro ng maunlad na ekonomiya sa bansa.

Idinagdag naman ni MIS Officer II Reywel Dela Roca na makakatulong ang ICT Council sa paghihikayat ng mga investor mula sa Maynila at ng mga nasa sektor ng Business Process Outsourcing (BPO). Isa rin sa namamataang proyekto ng council ay ang free public Wi-fi sa probinsya.

Ayon naman kay National ICT Confederation of the Philippines Board Member Atty. desisyon Jocelle Batapa-Sigue, ang pagbuo ng Oriental Mindoro sa ICT Council ay magbibigay ng mga trabaho at oportunidad sa mga mamamayan. Sa isinagawang pagpupulong dito, nilagdaan ang “Pledge of Commitment” sa pagitan ng mga pribado at pampublikong sektor sa pangunguna ng Kapitolyo, kasama ang Department of Science and Technology (DOST), Chamber of Commerce, mga paaralang nag-ooffer ng mga ICT-related courses, service providers tulad ng Globe at Smart, PIA at iba pang mga ahensya na may kinalaman sa larangan ng komunikasyon at teknolohiya. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s