Tagalog news: ‘PGOrM’ opisyal nang gagamitin sa mga komunikasyon ng LGU OrMin

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Hulyo 7 (PIA) – Opisyal nang gagamitin ang PGOrM (Provincial Government of Oriental Mindoro) sa mga komunikasyon nito upang magkaroon ng kaniyang sariling pagkakakilanlan.

Nilagdaan kamakailan ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr. ang Executive Order No. 69 series of 2016 na may titulong “An Executive Order Denominating the Provincial Government of Oriental Mindoro as “PGOrM”.

Nakapaloob sa Section 1 ng nabanggit na EO na ang gagamitin nang acronym ng Provincial Government of Oriental Mindoro ay “PGOrM” sa lahat ng liham, legal na dokumento at iba pang komunikasyon mula sa dating PGOM.

Samantala, nasasaad pa rin sa EO na nakapaloob sa Section 25 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas na sinusuportahan ng estado ang otonomiya ng mga lokal na pamahalaan.

Tinukoy rito na sa bisa ng Republic Act No. 505 series of 1950, nahati ang Mindoro sa dalawang lalawigan, ang Oriental Mindoro at Occidental Mindoro at itinayo rin ang kani-kanilang Pamahalaang Panlalawigan. Dahil dito, kapwa may karapatan ang dalawang lalawigan na gamitin ang acronym na PGOM.

Batay pa rin sa EO, napapanahon na upang magkaroon ang Oriental Mindoro ng sarili nitong pagkakakilanlan na hiwalay sa Occidental Mindoro kasabay ng pagsusumikap na makamit ang adhikaing maging pangunahing tourism destination at sentro ng kalakalan sa rehiyong Mimaropa.

Sa katunayan, mula sa PGOM, “PGOccM” na ang ginagamit na acronym ngayon ng Provincial Government of Occidental Mindoro. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s