Tagalog news: Mga sirang access road sa Bgy Payompon sa Mamburao, OccMin aayusin

MAMBURAO, Occidental Mindoro, Hul 7 (PIA)—May 223 kabahayan ang makikinabang sa proyektong ‘Rehabilitation of Access Roads’ ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Purok Dapi, barangay Payompon sa bayan ng Mamburao.

Ayon kay Peter John Nacar, Community Empowerment Facilitator ng DSWD KALAHI (Kapit Bisig Laban sa Kahirapan)-CIDSS (Comprehensive Integrated Delivery of Social Service), ang proyekyong ito ang binigyang prayoridad ng mga taga-Purok Dapi dahil sa malaking epekto sa mga magaaral gayundin sa kabuhayan ng mga magsasaka.

Sa pagbisita ng DSWD ay natuklasan nila na lubhang maputik ang mga nasabing daan lalo na kung tag-ulan. “Hindi na ito halos madaanan, na siyang dahilan upang hindi makapasok ang mga magaaral sa lugar na ito”, paliwanag ni Nacar.

Hindi rin pumapasok ang lahat ng uri ng sasakyan dahil sa pangambang mabalahaw.”Kung makakalusot man ang mga trucking, ay tinataasan nila ang singil dahil sa masamang daan”, ayon pa kay Nacar.

Tatlong magkakahiwalay na ‘access roads’ ito na may mga haba na 300 metro, 200 metro at 100 metro. Nagkakahalaga ang proyektong ito ng P2,198,948.48, sa ilalim ng programa ng DSWD KALAHI-CIDSS at National Community Driven Development Program (NCDDP).

Nagsimula noong ika-24 ng Mayo, inaasahang matatapos ang nasabing proyekto ngayong Agosto.

Samantala, isa pang proyekto ng DSWD ang nakatakdang pasimulan ngayong Hulyo. Ito ay ang rehabilitasyon ng ‘drainage canal’ na pakikinabangan ng mga residente ng barangay 1 hanggang 7. Nagkakahalag ang naturang proyekto ng P1,942, 618.31. (VND/PIA 4B/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s