Tagalog news: Employee’s Compensation Advocacy Seminar, isinagawa sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 7 (PIA) — Dumalo sa isinagawang advocacy seminar ng Employees’ Compensation Commission (ECC) kamakailan ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor sa lungsod ng Puerto Princesa at lalawigan ng Palawan.

Ito ay patungkol sa Employees’ Compensation Program (ECP) na dapat pakinabangan ng mga benepisyaryo mula sa pribado at pampublikong sektor sa pamamagitan ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS).

Ipinaliwanag ni Atty. Jonathan Villasoto, deputy executive director ng ECC ang nilalaman ng programa kung saan ang benepisyo ay ibinabayad para sa pagkakasakit, disability, medical, rehabilitation services at pagkamatay ng manggagawa na ang sanhi ay may kinalaman sa trabaho nito.

Ayon kay Villasoto,“Hiwalay ang matatanggap ng sino mang benepisyaryo sa kanilang claims dahil sa pagiging miyembro ng SSS at GSIS, dahil ang kontribusyon para rito ay buong babayaran ng employer o government agencies sa pamamagitan ng State Insurance Fund (SIF)”.

“Pumilipili kami kung saang lugar dapat dalhin ang aming information dissemination patungkol sa programa, at isa doon ang Palawan” Ani Villasoto.

Ipinaalala rin sa seminar ang mga dokumentong dapat ihanda tulad ng Certificate of Employment, EC logbook at medical findings, kung ang aplikante ay pribadong empleyado.

Samantala, para naman sa mga kawani ng gobyerno, kailangang ihanda ang EC logbook, medical findings, GSIS and EC premium contributions at iba pang karagdagang dokumento depende sa klase ng benepisyong dapat kunin.

Sakop din ng Employees’ Compensation Program ang mga Kasambahay bilang compulsory member ng SSS. (LBD/PIA4B-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s