Tagalog news: DOH Central Ofc magkakaloob ng 3 dental bus sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 5 (PIA) —- Tatlong dental bus ang nakatakdang ipagkaloob ng Department of Health (DOH)- Central Office sa Palawan ngayong Hulyo.

Ayon kay Dr. Mary Ann Navarro, Officer –In-Charge (OIC) ng Provincial Health Office (PHO), tatlong unit ng dental buses ang ipagkakaloob ng DOH para sa Palawan bilang bahagi ng pagpapalakas ng mga programa sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP) ng naturang kagawaran.

Aniya, ang naturang dental bus ay may kumpletong kagamitan at pasilidad sa loob nito tulad ng dental chairs, x-ray, compressor at iba pang kasangkapan na makatutulong sa karagdagang serbisyong dental para sa mga Palaweῆo.

Dagdag pa nito, hindi lamang pagbunot ng ngipin ang maaring maihatid ng naturang bus, kasama rin dito ang dental prophylaxis o paglilinis ng ngipin, dental sealant o pasta at iba pang serbisyong dental maging sa malalayong barangay sa Palawan.

Ang bawat isang dental bus ay nagkakahalaga ng P3.3 milyon na pinondohan ng DOH upang ipagkaloob sa mga lalawigan na sadyang nangangailangan.

Isa dito ay gagamitin sa paghahatid serbisyo ng dental sa hilagang Palawan, isa sa timog Palawan at ang isa ay para sa mga islang munisipyo. (PIO/OCJ-PIA4B Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s