Tagalog news: Buwan ng Nutrisyon, inilunsad sa Rizal, Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 5 (PIA) — Iba’t-ibang aktibidad ang isinagawa ng Provincial Nutrition Office (PNO) sa Bgy. Ransang, Rizal, Palawan, kaugnay ng paglulunsad noong Hunyo 30 sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon.

Ang Buwan ng Nutrisyon ay isinasagawa tuwing buwan ng Hulyo. Ngayong taon, ang Buwan ng Nutrsyon ay may temang “First 1000 days ni baby pahalagahan para sa malusog na kinabukasan”.

Ayon kay Rachel Paladan, Provincial Nutrition Action Officer (PNAO), napili nila ang naturang barangay na pagdausan ng paglulunsad ng Buwan ng Nutrisyon dahil isa ito sa may mataas na bilang ng malnutrisyon sa mga batang katutubo. Katuwang dito ng PNO ang kanilang partner agency na Heaven’s Eyes Tribal Mission, Inc.

Isa sa aktibidad dito ay ang paglulunsad ng programang Backyard Gardening for Indigenous People na inaasahang lalahukan ng may 50 pamilya ng mga katutubo. Ang paglulunsad ay katatampukan ng pamamahagi sa mga pamilya ng mga buto ng gulay tulad ng ampalaya, talong, sitaw at kalabasa na maaari nilang itanim sa kanilang bakuran.

Ani Paladan, ang pagtuturo sa mga katutubo ng kahalagahan ng pagtatanim ng gulay sa kanilang bakuran ay makakatulong ng malaki sa pagtugon sa kinakailangang nutrisyon ng mga bata gayon din ng mga buntis at mga inang nagpapasuso ng mga sanggol.

Bukod sa pagtatanim ng gulay ay ilulunsad rin dito ang National School and Community Deworming Month sa pamamagitan ng pagbibigay ng gamot na pampurga sa mga bata at complementary feeding na pangangasiwaan ng Heaven’s Eyes Tribal Mission, Inc.

Samantala, isasagawa rin ngayong Buwan ng Nutrisyon ang Slogan at Poster Making Contest na lalahukan ng mga mag-aaral sa sekondarya mula sa iba’t ibang munisipyo; Bantay Kalusugan para sa mga empleyado ng Kapitolyo; Nutriquiz; at Search for Mr. & Ms Nutrikid 2016. (PIO/OCJ-PIA4B Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s