Tagalog news: 5 Most Outstanding Municipal Assessor, kinilala ng LGU Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 5 (PIA) — Kinilala at pinarangalan ng pamahalaang panlalawigan ang limang natatanging Municipal Assessors sa Palawan sa isang seremonyang ginanap sa Governor’s Conference Room kamakalawa.

Ang pagpili ng mga Most Outstanding Municipal Assessors para sa taong 2015 ay bilang bahagi ng Annual Real Property Tax Administration o (RPTA) Incentive Program ng Provincial Assessor’s Office (PAO).

Ang hinirang na limang Most Outstanding Municipal Assessors ay napili base sa nakalap na datos ng Provincial Assessor mula Mayo 2015 hangang Disyembre taong 2015.

Sila ay kinabibilangan nina Janet E. Quiño mula sa bayan ng Brookes Point sa 1st Placer; 2nd Placer si Mildred A. Valdez mula sa bayan ng Taytay; ang 3rd Placer ay si Jorge G. Necio mula sa bayan ng Narra; 4th Placer si Doris L. Arcoyo mula sa bayan ng Quezon at ang 5th Placer ay si Josefina A. Daganta mula naman sa bayan ng Cuyo.

Ayon kay Provincial Assessor Nerrie G. Rodriguez, maging inspirasyon sana ito ng iba pang Municipal Assessor sa Palawan sapagkat ito ay patunay ng kanilang kasipagan sa pagtatrabaho sa gobyerno.

Hiniling din nito sa mga Most Outstanding Municipal Assessors na kanilang ipagpatuloy ang pagiging responsable sa kanilang tungkulin sa kani-kanilang munisipyo at ipagpatuloy ang pagbibigay ng magandang serbisyo sa mga kapwa Palaweño. (PIO/OCJ-PIA4B Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s