Tagalog news: 15,000 seedlings, naitanim sa ‘Pista y ang Cagueban’ sa Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 5 (PIA) — Matagumpay na naitanim ng mga nakilahok sa Pista Y ang Cagueban sa lungsod ng Puerto Princesa ang 15,000 seedlings ng indigenous trees kamakailan na isinagawa sa Sitio Impapay, Barangay Irawan.

Ang mga itinanim na klase ng puno ay ang Ipil, Kamagong, Narra at iba pang mga fruit trees.

Maaga pa lang sinimulan na ng iba’t ibang sektor ang aktibidad, kung saan bago ang maikling programang inihanda ng City Government, nakilahok muna si Mayor Lucilo Bayron sa pagtatanim, kasama si 2016 Ms. Earth Philippines Imelda Schweighart.

Ayon kay Atty. Carlo Gomez ng City ENRO, layon ng pamahalaang panlungsod na palitan ang mga puno sa Sitio Impapay na nauna nang itinanim, 21 taon na ang nakalilipas, kung kaya ibinalik sa lugar ang pagdiriwang.

“Bahagi ito ng bagong programa na Forestry Replacement”. Ani Gomez.

Dagdag pa ni Gomez, Bagamat may pakinabang din sa pagpababa ng carbon ang mga matataas nang puno ng Mahogany at Gmelina, pero hindi aniya ito nakakatulong sa biodiversity dahil hindi namumunga ang mga ito na pakikinabangan ng mga buhay-ilang na naninirahan sa kagubatan.

Bukod dito, mahina rin sa water holding capacity ang ganitong klase ng puno, bagkus ito ay malakas sumipsip ng tubig kaya hindi rin ito maituturing na ideal trees para mapangalagaan ang watershed area.

Samantala, sa pagtaya ng City ENRO, nasa 40 porsiyento lamang ang survival rate ng mga naitanim sa Barangay Sta. Lucia noong nakalipas na taon.

Sa tantiya naman ni Mayor Bayron, mas marami ang dumalo at nakiisa sa pagtatanim ngayong taon kumpara sa nakalipas na 2015. (LBD/PIA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s