Tagalog news: Solar Home Systems, ipinamahagi sa Brooke’s Point, Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 1 (PIA) — Ipinamahagi kamakailann ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ang mga Solar Home Systems (SHS) sa 2,000 benepisyaryo nito sa bayan ng Brooke’s Point.

Bahagi ito ng mahigit 27,000 units na target na maipamahagi ng Provincial Government sa buong lalawigan ng Palawan, partikular na sa mga lugar na off-grid o hindi pa maabot ng linya ng kuryente.

“Sinikap talaga ng Provincial Government na makabili nitong mga solar home para sa wala pang kuryente, upang hindi na mahirapan ‘yong mga kabataang nag-aaral sa gabi at mga magulang na kahit gabi ay naghahanap-buhay.” Pahayag ni Governor Jose Chaves Alvarez sa isinagawang seremonya.

“Ang mga SHS na ipinagkaloob sa mga residente ng libre at may dalawang taong warranty, kinakailangan lamang ingatan at huwag ibibenta.” Paalala ni Alvarez.

Pinaplano pa ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan ang susunod na munisipyong pagkakalooban ng (SHS), bagamat may mga natukoy na para maging benepisyaryo ng proyekto. (LBD/PIA4B-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s