Tagalog news: Pagunlad ng Turismo sa lalawigan, kasama sa prayoridad ng OccMin LGU

MAGSAYSAY, Occidental Mindoro, Hulyo 1 (PIA)—Ang kaunlaran ng turismo ay bahagi sa prayoridad ng pamahalaang panlalawigan, ito ang ipinahiwatig ni Dr. Rosario Fe Mendiola, pangulo ng Provincial Tourism Council (PTC), sa isinagawang pulong ng PTC sa Barrera Farm Resort ng bayan ng Magsaysay kamakailan.

Sa nasabing pulong ay hinimok ni Dr. Mendiola sa mga dumalo na buhayin ang turismo sa kanikanilang bayan at pasimulan ito sa pagkakaroon ng isang Tourism Master Plan (TMP). Mahalaga aniya ang pagkakaroon ng isang plano upang masegurong hindi masisira ang turismo sa kanilang lugar.

Ayon kay Provincial Tourism Officer Isabel Castillo, malaki ang nagagawa ng TMP sa ikakaunlad ng turismo sa isang bayan. Aniya, sa pamamagitan ng TMP, nagkakaroon ng direksyon ang mga planong pang-turismo.

Sinangayunan ito ni Sylvia Salgado, Municipal Tourism Officer (MTO) ng Sablayan, ibinigay niyang halimbawa ang kanilang binuksang atraksyon noong Setyembre 2015, na “Island-to-Island Zipline”. Ayon kay Salgado, kalakip ng TMP ang pagbibigay ng proteksyon sa anumang tourism attraction na meron ang isang bayan. Kaya naman kasama sa plano nang operasyon ng nasabing zipline ang pagtanggap lamang ng tamang dami ng local at international tourists. Kabilang din sa TMP ang promotion, kung kaya’t mabilis na naipakalat ng Sablayan ang mga kaukulang impormasyon hinggil sa zipline . Sa kasalukuyan ay kumita na ng P1,700,000 ang nasabing atraksyon.

Ang Sablayan Zipline ay kinikilala bilang pinakamahabang island-to-island zipline sa buong Asya (subalit may mga nasusulat na ito ang pinakamahaba sa buong mundo).

Bukod sa nasabing zipline, unang nakilala ang Sablayan sa Apo Reef na itinuturing ikalawang pinakamalaking coral reef sa buong mundo. Dinadarayo rin ng mga turista ang Pandan island at Presing Park.

Kasunod na proyektong pang turismo na nais maisakatuparan ng MTO Sablayan ay ang Parola Site Development Project.

Samantala, ang isa pang bayan na ginagawa na rin ang TMP ay ang bayan San Jose. Ayon kay Michelle Rivera, OIC MTO, naniniwala siya na dapat magmula sa munipyo ang TMP upang maging basehan ng lalawigan sa kanilang disenyo ng kanilang master plan. Paliwanang ni Rivera, isa itong paraan upang hindi madiktahan ang isang munisipyo sa programang pang turismo na nais isagawa ng kanilang lokal na pamahalaan.

Sa kasalukuyan ay abala ang MTO San Jose sa Mangrove and Beach Forest Development Project. Pinasimulan ito noong Oktubre ng 2015, layunin ng proyekto na makapagtanim ng duhat at talisay sa baybayin mula Barangay 4 Poblacion hanggang San Agustin. May haba itong higit pitong kilometro.

Kabilang sa mga dinarayo ng mga turista sa San Jose ay ang Grace Island, Inasakan, Guano Cave at iba pa. Nagsisilbi ring entry point ang nasabing bayan dahil andito ang paliparan at pantalan.

Kilala bilang first class municipality at sentro ng kalakalan sa lalawigan, ang San Jose ay may dalawang malaking kolehiyo, mga pangunahing bangko at mga hotels.

Aminado naman si Dr. Mendiola na may mga bayang hindi makakagawa ng TMP dahil sa may kamahalan ang pagiimbita ng mga consultants na gumagawa ng mga master plans. Bukod dito ay may ilan ring bayan na hanggang sa ngayon ay wala pang maikukusiderang tourist attraction sa kanilang lugar.

Sa 11 munisipyo sa lalawigan, tanging bayan ng Lubang ang mayroon ng TMP. (VND/PIA 4B/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s