Tagalog news: Negosyo Center sa San Agustin, Romblon pinasinayaan na ng DTI

SAN AGUSTIN, Romblon, Hunyo 29 (PIA) — Sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry – Romblon Provincial Office at lokal na pamahalaan ng San Agustin, pormal ng pinasinayaan ang Negosyo Center sa San Agustin Agricultural Training Center Brgy. Poblacion, San Agustin, Romblon.

Sa pambungad na pananalita ni San Agustin Mayor at Incoming Congressman Emmanuel F. Madrona pinasalamatan niya ang ahensya sa pagbibigay daan upang lubos pang mapaunlad ang mga taga San Agustin lalo na sa mga nais magnegosyo.

Ayon kay Mr. Orville F. Mallorca, Provincial Caretaker ng DTI-Romblon, ang layunin ng Negosyo Center ay mailapit ang serbisyo ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno sa pamamagitan ng paggamit ng mga makabagong kagamitan at pamamaraan sa mamamayan upang mapabilis ang proseso sa pagnenegosyo at upang makatuwang sa pagpapalago pa nito.

Nagpasalamat din ang ahensya sa mainit at mabilis na pagtanggap ng lokal na pamahalaan ng San Agustin na naging dahilan sa mabilis na pagpapatupad ng proyekto.

Sa mensaheng ipinahatid ni Tessie R. Magracia, may-ari ng Gimala Healing Tea, isinalaysay nito kung paano siya nagsimula at ang kanyang mga naging karanasan sa pagnenegosyo. Nagpasalamat din sya sa mga naging tulong ng DTI, lokal na pamahalaan at ng iba’t-iba pang sangay ng gobyerno upang mapaganda at maiaahon ang kanyang produkto at negosyo.

Pinagkalooban din ng mga bagong disenyo ng label ang mga produkto ng KT-Leens Hone Made Products, Jopay’s Coconut Blossom at Neneng’s Balichow.

Sa buwan naman ng Hulyo ay inaasahang pormal na bubuksan ang Negosyo Center sa Romblon State University kasabay ng programang “Negosyo, Konsyumer, Atbp” o ONE DTI program ng ahensya.

Ang Negosyo Center ay bukas Lunes hanggang Biyernes simula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Ang naturang inagurasyon ay dinaluhan din nina Hon. Vice Mayor Zaldy G. Marin at incoming Mayor, Hon. Esteban “Denon” Madrona Jr.(MHF/DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s