Tagalog news: Pilot Elementary School sa OccMin sumabak sa ‘Pagyanig’

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Hun 28 (PIA) – Nakisabay ang 95 guro at 3,212 magaaral ng San Jose Pilot Elementary School (SJPES) sa isinagawang nationwide Earthquake and Fire drill noong ika-22 ng Hunyo sa bayan ng San Jose.

Matapos ang oryentasyon ng mga guro dakong 8:45 ng umaga, tumunog na ang sirena na hudyat ng pasimula upang magsagawa ng ‘duck, cover and hold’ ang mga partisipante mula sa nasabing eskwelahan.

Ayon kay Ginoong Melencio Corpuz, punong guro ng SJPES, matagumpay para sa kanya ang naturang aktibidad dahil naisagawa ito ng maayos. “Higit tatlong libong magaaral sa elementary ang kasali dito at salamat at walang tumakbo, walang nasaktan”, pahayag ni Corpuz. Sa mga ganitong pagkakataon, may lindol o anumang sakuna, ay ipinapaala ng Municipal Disaster Risk Reduction Office (MDRRMO) na dapat na maging mahinahon at talasan ang pagiisip upang magawa ang tamang aksyon.

Kasama sa naturang ‘quake drill’ ang senaryo nang pagkakaroon ng umanoy 15 biktima. Iniligtas ang mga ito ng ang Philippine National Police, Philippine Army, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Plan International at Red Cross.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng MDRRMO. Ayon sa nasabing tanggapan, nagsasagawa sila ng Earthquake and Fire Drill sa iba’t ibang tanggapan tuwing makaikatlong buwan. Minabuti nilang isagawa ang ganitong pagsasanay sa isang eskwelahan upang makita ang kahandaan ng lahat.

Dumating din si Mayor Romulo Festin upang obsebahan ang mga kaganapan. (VND/PIA 4B/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s