Tagalog news: Mga opisyal ng barangay sa San Jose, OccMin nagsanay

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Hunyo 28 (PIA)— Isinagawa kamakilan ng Civil Service Commission (CSC) ang isang pagsasanay hinggil sa mga batas na pambarangay sa San Jose Municipal Gymnasium.

Ang pagsasanay na ito ng CSC ay kilala rin sa katawagang LUBOS o ang Levelling Up of Barangay Officials Seminar at dinaluhan ng lahat ng mga opisyales ng 38 barangay ng bayan ng San Jose.

Dito ay tinalakay ng kareretiro pa lamang na CSC Director Atty. Daniel David, ang mga gawain, responsibilidad at mga benepisyong maaring makuha ng isang opisyales ng barangay. Kabilang din sa mga napagusapan ang Barangay Official Eligibility, Code of Conduct o RA 6713 at Anti Red-Tape o RA 9485.

Ayon kay Rene Lustaña, Human Resource Specialist ng CSC, isa sa mga naging mainit na paksa ay ang barangay official eligibility. “Karamihan sa mga opisyales ( ng barangay) ay nito lamang nalaman na ang kanilang pwesto ay may katapat na Subproffessional Eligibility”, paliwanag ni Lustaña. Dagdag pa nito na maari itong makuha (Barangay Official Eligibility ) pagkatapos ng termino ng panunugkulan ng isang opisyales ng barangay.

Bukod sa bayan ng San Jose, ang Abra de Ilog, Calintaan, Magsaysay, Paluan at Sablayan ay binisita na ng CSC upang maisagawa ang LUBOS.

Samantala, ipinababatid ng CSC na hanggang sa unang araw na lamang ng Setyembre maaring tanggapin ang mga aplikasyon para sa CSC Examination na gaganapin sa ika-23 ng Oktubre. Kabilang ang bayan ng San Jose sa pagdarausan ng naturang ekasaminasyon. (VND/PIA 4B/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s