Tagalog news: Gob Umali ng OrMin, inilatag ang mga proyekto sa huling termino

CALAPAN, Oriental Mindoro, Hunyo 27 (PIA) – Inilalatag na ngayon ng pamunuan ng nagwaging gobernador ng Oriental Mindoro sa kaniyang ikatlo at huling termino ang kanyang mga proyekto para sa lalawigan.

“Tatapusin ko ang lahat ng mga proyekto at programang nasimulan ko para sa lalawigan.” Ito ang ipinahayag ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr. sa pinakahuling buwanang press conference ng Capitol Press Corps (CPC) na pinamumunuan ni Board of Directors Chairman Jerry J. Alcayde na ginanap kamakailan lamang.

Sinabi ng gobernador na una niyang tatapusin ang mga pagawain sa loob ng kapitolyo. Kasama na aniya dito ang paglilipat ng Provincial Jail sa bayan ng Bansud. Ililipat din ang Provincial Agriculturist’s Office (PAgO) sa loob ng compound ng kapitolyo. Samanatalang sa mababakanteng puwesto ng mga ito ay magtatayo ng hostel at convention center, ayon pa sa gobernador. Bukod dito, binanggit din ng gobernador ang iba pang proyektong nais niyang maipatapos sa loob ng tatlong taon.

Ipatatapos sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng Abra de Ilog–Puerto Galera circumferential road at tinatayang makukumpleto na ito sa taong 2017, ang road widening sa Strong Republic Nautical Highway (SRNH) at ang paglalagay dito ng mga street light. Magpapalagay din aniya ng solar panels sa kapitolyo upang mabawasan ang binabayaran nitong kuryente, aayusin ang Provincial Hospital sa Brgy. Sta. Isabel at breeding station sa Brgy. Sto. Niño sa lungsod ng Calapan. Gayundin, sisimulan na ang housing project para sa mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan at ang balak na i-lease sa pamunuan ng SM Supermalls ang lupa ng gobyerno na katabi ng Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH).

May mga flood control project din aniya na isasagawa sa pakikipagtulungan sa City Government ng Calapan at ipatatayo ang mga evacuation center sa bawat bayan.

Sa isyung pampulitika, sinabi ng gobernador na naniniwala siyang walang masyadong magiging problema sa mga local government unit kung hindi man kapartido ang pangulo ng Pilipinas dahil may internal revenue allotment ang mga ito at kaya pa ring magpatupad ng mga proyekto. Ang inaasahan lamang niyang maaapektohan ay ang superbridge dahil maaaring hindi ito mapasama sa prayoridad ng bagong administrasyon.

Naging panauhin din sa naturang presscon sina Provincial Administrator Nelson B. Melgar at Executive Assistant IV Dr. Romeo G. Infantado.

Samantala, nagbigay ng update si Executive Assistant IV Dr. Romeo G. Infantado hinggil sa Kapitolyo Para sa Mamamayan (KPSM)–Serbisyo Ora Mismo.

Ayon kay Infantado, ang mga dinatnan niyang mga programa ng KPSM ay siya na rin munang ipinatutupad. Ang mga serbisyong ipinagkakaloob ay binabase rin aniya sa pangangailangan ng mga barangay. Walo lamang ang target sa loob ng isang taon pero gusto niya itong madagdagan para maging 12 upang mas marami pang mga mamamayan ang mapaglingkuran. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s