Tagalog news: Estudyante bawal pumasok sa computer shop kapag may klase — PNP Romblon

ROMBLON, Romblon, Hunyo 27 (PIA) — Isa-isang binisita at kinausap ng mga kawani ng Romblon Municipal Police Station ang mga may-ari ng computer shop o internet cafe na malapit sa mga paaralan upang paalalahanan na bawal pumasok sa kanilang mga establisyemento ang mga estudyante sa oras ng klase.

Ayon kay P/Senior Inspector Sheljohn G. Nuga, chief of police ng Romblon MPS, na regular silang magsasagawa ng inspeksyon sa mga computer shop tuwing araw ng Lunes hanggang Biyernes upang tiyakin na walang mga estudyanteng nagka-cutting class upang maglaro ng computer games o online games.

Kapag kinakitaan ng paglabag ang isang computer shop ay maaaring makansela ang kanilang business permit o tuluyang maipasara alinsunod na rin sa ordinansang ipinaiiral ng lokal na pamahalaan.

Labag din aniya ito sa DepEd Order No. 86 series of 2010, sa ilalim nito ay ipinagbabawal ang pagpunta ng mga estudyante sa computer shops, mall at sinehan sa oras ng klase.(DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s