Tagalog news: Bagong high school building sa Corcuera, Romblon pinasinayaan na

CORCUERA, Romblon, Hunyo 27 (PIA) — Pinasinayaan na kamakailan ang bagong gusali na may dalawang silid-aralan sa Mauricio F. Fabito National High School sa bayan ng Corcuera sa pangunguna ng mga opisyal ng LGU at DepEd.

Ang naturang gusali ay proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaang nasyunal na KALAHI-CIDSS o ang Kapit Bisig Laban sa Kahirapan Program – Comprehensive Integrated Delivery of Social Services sa naturang bayan.

Sinabi ni Mayor Rachel M. Bañares na mabilis na natapos ang nasabing proyekto dahil sa pagkakaisa ng lokal na pamahalaan, Department of Social Welfare and Development, Department of Education at pakikipagtulungan ng mga residente dito.

Ang pagtatayo ng silid-aralan ay tulong ng DSWD para magamit sa implementasyon ng K-12 Program ng DepEd at malaking tulong ito para sa mga mag-aaral ngayong pasukan.

Ang bagong gusali ay puwede ring gamitin na evacuation center kung sakaling may kalamidad o sakunang dumating sapagkat matibay ang pagkakagawa nito.

Inaasahan na sa susunod na buwan ay matatapos na rin ang isa pang school building na ipinatatayo ng DepEd na nasa pangangasiwa ng Department of Public Works and Highways (DPWH). (DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s