Tagalog news: PDRRMC-Romblon, hinihikayat ang mga residente na makilahok sa earthquake drill

ROMBLON, Romblon, Hunyo 21 (PIA) — Hinihikayat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga residente sa buong lalawigan na aktibong makilahok sa ikalawang 2016 National Simultaneous Earthquake Drill na nakatakda ngayong ika-22 ng Hunyo sa ganap na alas-9:00 ng umaga.

Ayon kay PDRRM Officer Engr. Antonio P. Sarzona, ang Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMCs) ng bawat bayan ay makikiisa sa pagsasagawa ng earthquake drill sa mga paaralan o mga napiling establisyemento na kanilang pagdadausan.

Kinakailangan aniya ng pamahalaan ang kooperasyon ng lahat tungo sa hangaring “resilient and prepared community” kaya naman dapat gawin ang Duck-Cover-Hold technique sa Miyerkules.

Magkakasunod umanong gagawin ang earthquake drill sa bayan ng Romblon sa Cajimos Elementary School at Montfort Academy kung saan makakasama nila ang mga kawani ng Romblon Police Provincial Office, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, Department of Education, Philippine Army Reservist at Philippine red Cross.

Bago simulan ang nasabing aktibidad ay magsasagawa muna ng lecture sa mga mag-aaral patungkol sa paghahanda sa iba’t ibang uri ng kalamidad na maaaring mangyari ng di inaasahan.

Inaanyayahan din ang mga lalahok na makiisa sa gagawing drill upang maikintal ito sa kaisipan ng lahat at magamit ito kung sakaling may mangyaring paglindol. (DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s