Tagalog news: OrMin PDRRMO nagsasagawa ng mga pagsasanay para sa kanilang volunteers

CALAPAN, Oriental Mindoro, Hunyo 23 (PIA) – Patuloy sa pagsasagawa ng mga pagsasanay para sa mga volunteer ang Provincial Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Ang mga uri ng pagsasanay ay ang Water Search and Rescue (WaSAR) at Basic Life Support and Standard First Aid (BLSSFA) sa iba’t ibang bayan sa lalawigan, mga lokal na pamahalaan at sa mga pribadong sektor.

Bahagi ang mga pagsasanay sa mga programa ng pamahalaang lokal na tutugon sa mga pangyayari at kaganapan na hindi inaasahang dulot ng pagbabago ng panahon.

Kamakailan, isinagawa ang pagsasanay sa WaSAR para sa mga rescue volunteer sa mga bayan ng Puerto Galera, San Teodoro, Pola at Calapan City. Ang pagsasanay ay isinagawa sa baybaying-dagat ng San Teodoro at sa swimming pool ng Oriental Mindoro National High School (OMNHS).

Ayon sa datos ng PDRRMO, mayroon na silang naisagawang 16 na mga pagsasanay sa mga volunteer ng halos lahat ng mga bayan sa lalawigan at nagpapatuloy ito base sa pangangailangan ng lokalidad.

Para sa mga nagnanais na magsagawa ng mga pagsasanay sa mga katulad na programa, makipag-ugnayan lamang sa PDRRMO sa telepono bilang 043-2882422. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s