Tagalog news: Mga gamit pangkabuhayan para sa Kalayaan Fisherfolk, ipinamahagi ng DA-BFAR

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hunyo 23 (PIA) — Namahagi ang Department of Agriculture’s Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ng 20 unit ng 38-footer FRP boats at kumpletong at mga kagamitang pangisda sa mahigit 100 fisherfolk ng Kalayaan Islands sa isinagawang seremonya sa lungsod ng Puerto Princesa City noong Hunyo 17.

Tumanggap ang Spratly’s Strong and Brave Women’s Association (SSBWA) at Kalayaan Fisherfolks Organization ng 10 units bawat grupo, fishing gears at ilang units ng shallow-water at payaos upang magamit sa kanilang pangkabuhayan.

“Nais po ng pamahalaan na magbigay-pugay sa mga mangingisda, batid po ng inyong gobyerno ang inyong kagitingan ibinabahagi tuwing nandoon kayo, pumapalaot sa bayan ng Kalayaan at sa karagatan nito.” Pahayag ni Atty. Benjamin Tabios, assistant director for administrative services ng BFAR Region 4B.

“Para ito sa lahat ng mga nais mag negosyo, mangisda at mangalakal sa munisipyo ng Kalayaan na matagal nang pina-plano ng DA-BFAR.” Ani Tabios.

Ang mga bangkang pangisda ay ginawa sa building site ng BFAR sa munisipyo ng Rizal, Palawan. Iba-byahe ang mga bangka at iba pang kagamitan sa patungong Kalayaan Islands sa tulong ng Philippine Navy, na siyang nakakatuwang ng Bureau sa pagpapatakbo ng kabukahayan ng mga mangingisda sa Kalayaan.

Dagdag pa ni Tabios, maliban sa pangingisda, may susunod pang suportang pang-agrikultura tulad ng pag-aalaga ng mga hayop at pagtatanim ng gulay sa isla.

Maliban sa mga gamit pangisda, ibinahagi rin ng BFAR ang mga rainwater collector facilities na magagamit ng mga kominidad para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. (LBD/PIA4B-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s