Tagalog news: Agri-farm tourism, isinusulong sa OrMin

CALAPAN, Oriental Mindoro, Hunyo 23 (PIA) – Nagpupursige ngayon ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapakilala ng mga tanawin at pasyalan sa Oriental Mindoro sa pamamagitan ng Provincial Tourism, Investment and Enterprise Development Office (PTIEDO).

Ang lalawigan ng Oriental Mindoro ay maituturing na isa sa mga isla sa Pilipinas na biniyayaan ng mga likas na yaman na maihahalintulad sa mga sikat na tanawin sa ibang bansa.

Dahil isang agrikultural na lalawigan ang Oriental Mindoro, isinusulong ngayon dito ang “Agri-Turismo” bilang bagong klasipikasyon ng turismo sa bansa. Nauugnay at angkop ang programang ito sa mga magsasaka sa lalawigan na ang pangunahing pinagkukunan ng ikinabubuhay ay ang pagtatanim at paghahayupan.

Kaalinsabay na isinusulong ng pamahalaang lokal ang “organic farming”. Bagamat ilan pa lamang ang nagsasagawa nito, nangunguna ngayon ang Gabutero’s Farm na matatagpuan sa Bongabong na pag-aari ni Nelson Gabutero, na kilala ngayon sa organic farming.

Ayon kay Gabutero, nagsimula sila noong taong 2002 hanggang sa lumawak na ang saklaw ng kanilang farm. Isinusulong niya ang organikong pamamaraan ng pagsasaka dahil na rin sa maraming benepisyong naibibigay nito. Bukod sa farm na kanilang pinamamahalaan, mayroon din silang learning site na maaaring tumanggap ng mga magsasakang nais matuto ng organikong pamamaraan ng pagsasaka.

Bukod sa mga tanim na gulay at prutas na makikita sa farm ay mayroon din silang mga alagang manok at mga kuneho na ibinebenta sa merkado upang maging dagdag pangkabuhayan.

Samantala, sa bayan naman ng Naujan, may farm din na nagsusulong nito upang mas mapalawig pa ang paggamit ng organikong pamamaraan ng pagsasaka, ang farm na pag mamay-ari ni Dewey M. Albufera.

Ayon kay Albufera, kinakailangang isagawa ang adaptation o mga pamamaraang aangkop sa tag-init upang hindi maudlot and produksyon dito. Ilan lamang ito sa agri-farm tourism project na isinusulong ng pamahalaan na magbibigay ng direksyon sa turismong agrikultura na naiiba sa lahat. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s