Tagalog news: Oryentasyon para sa Deworming Month sa Hulyo, isinagawa sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hunyo 20 (PIA) — Limampung public health workers sa Palawan na kinabibilangan ng mga Department of Education (DepEd) nurses, midwives, Garantisadong Pambata (GP) coordinators at provincial health team ang sumailalim sa Orientation and Planning Workshop on the Guidelines of Expanded Implementation of National School and Community Deworming Month.

Ang oryentasyon na isinagawa kamakailan sa Citystate Asturias Hotel, lungsod ng Puerto Princesa ay pinangunahan ng mga tagapagsanay mula sa Department of Health (DOH)-Mimaropa.

Ang aktibidad na ito ay bilang paghahanda sa nakatakdang implementasyon ng Expanded National School and Community-Based Deworming Month ngayong Hulyo na itinataguyod ng DOH katuwang ang DepEd at ang mga lokal na pamahalaan sa buong bansa.

Ayon kay Provincial Nutrition Action Officer Rachel Paladan, layon ng aktibidad na ito na maipaliwanag ng lubusan sa mga partisipante ang mas pinalawak na implementasyon ng national deworming na dalawang beses isinasagawa sa isang taon.

Matatandaan na noong buwan ng Enero 2016 ay isinagawa ang unang round ng National School at Community Deworming Day activity sa buong bansa.

Sa paliwanag ni PNAO Paladan, sa ilalim ng pinalawak na deworming activity ay ipinagsabay na ang isinasagawang pagpupurga sa mga bata sa ilalim ng Garantisadong Pambata ng DOH at ng DepEd na may hiwalay na iskedyul. Aniya, sa pamamagitan nito ay mas magiging epektibo ang pagpupurga sa mga bata sa komunidad gayon din sa mga batang pumapasok sa paaralan.

Ang rehiyon ng Mimaropa ay napasama sa top five na rehiyon na may pinakamalawak at pinakamataas na bilang na napurgang mga bata base sa nakaraang national deworming activity. Kinilala rin ang Mimaropa bilang “most improved region on deworming coverage.” Dito sa lalawigan ng Palawan ay umabot sa mahigit 92 porsiyento ang nasaklawan ng naturang aktibidad nitong nakaraang Enero, taong kasalukuyan. (PIO/OCJ-PIA4B Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s