Tagalog news: Mahigit 1,000 aplikante, nag-apply para sa libreng matrikula sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hunyo 20 (PIA) — Sa kasalukuyan umaabot na sa 1,159 mga estudyante sa kolehiyo ang nakakapag-apply upang maging benepisyaryo ng Programang Pang-Edukasyon para sa Palaweño (PPP) ng pamahalaang panlalawigan.

Limangdaan sa mga ito ay mga aplikante mula sa lungsod ng Puerto Princesa, samantalang ang nalalabing bilang ay mula sa iba’t-ibang munisipyo sa lalawigan na nag-aaral sa lungsod.

Ang Programang Pang-Edukasyon para sa Palaweño (PPP) ay nakapaloob sa IHelp program o itong Infrastructure, Health, Education, Livelihood and Protection of Environment ng pamahalaang panlalawigan na ang layunin ay makatulong sa mga kabataang Palaweno na makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

Ito na ang ika-tatlong taon ng nabanggit na programa at mahigit na sa 10,000 estudyante ang nabiyayaan nito na karamihan ay nag-aaral sa Palawan State University (PSU).

Ayon kay Aldrin Nepomoceno, Executive Assistant III ng nasabing programa, ang mga aplikanteng tinanggap nila hanggang Hunyo 17 ay nakahabol pa ang ibang estudyante na na mapabilang sa naturang programa. (PIO/OCJ-PIA4B Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s