Tagalog news: Lungsod ng Puerto Princesa, lalagyan na ng LTFRB satellite office

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hunyo 20 (PIA)—Maglalagay na ng Satellite Office ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa lungsod ng Puerto Princesa na inaasahang maisasakatuparan bago matapos ang buwan ng Hunyo.

Ito ay upang agarang matugunan ang pangangailangan ng pagkuha ng prangkisa ng mga sasakyan ng mga taga lungsod at lalawigan ng Palawan.

Ayon kay LTFRB Chairman Winston Gines, ilalagay ang opisina sa City Coliseum na libreng ipapagamit sa LTFRB.

Magtatalaga rin ang pamahalaang panglungsod ng karagdagang empleyado upang makatuwang ng mga regular na empleyado ng LTFRB mula sa Region IV-B.

Samantala, ani Chairman Gines, ire-rekomenda nito sa papasok na bagong pamunuan na magbukas ng mga bagong prangkisa para sa lungsod upang matugunan ang problema ng sektor ng transportasyon kaugnay sa mga colorum.

Ito ay resulta ng pagpupulong ng grupo ni Gines, kasama sina LTFRB Regional Director Dennis Baryon ng MIMAROPA at Arnel Del Rio ng Public Assistance Office, kung saan binigyang linaw ang ilang mga usapin sa pagbibigay ng prangkisa at ang problemang kinakaharap ng mga may prangkisa kontra sa mga iligal na namamasada.

Dapat umanong tiyakin ng mga kukuha ng prangkisa kung anong kategorya ina-aplayan ng mga ito upang maiwasan ano mang paglabag sa panahon na mahigpit nang ipatutupad dito sa lungsod ang mga regulasyon ng batas na pinaiiral ng ahensya.

Inilatag ni Baryon ang bawat klasipikasyon ng mga prangkisa na kanilang ibinibigay na dapat kunin ng mga transport operators, tulad ng Utility Vehicle (UV), Tourist Transport at Transport Network Vehicle Services.

Ikinatuwa naman ng City Government ang positibong tugon ng LTFRB dahil matagal na nitong ninanais na maging maayos ang sektor ng transportasyon sa lungsod. Dahil dito, mababawasan na ang gastusin ng mga transport operators sa pag-apply at pagkuha ng prangkisa na ipino-proseso pa sa lalawigan ng Batangas.

Ani Gines, wala na rin umanong rason ang sino man na hindi kumuha ng prangkisa para legal na mag-operate sa lungsod at lalawigan sakaling mailagay na ang satellite office dito sa lungsod. (CIO/LBD/PIA4B-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s