Tagalog news: DOH warehouse na may halagang 7.5M itatayo sa OrMin

CALAPAN, Oriental Mindoro, Hunyo 20 (PIA) – Nakatakdang itayo ngayong taon sa lalawigan ng Oriental Mindoro and drug warehouse ng Department of Health (DOH) na nagkakahalaga ng P7.5M.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Normando S. Legaspi, nakahanda na ang pondo at plano para sa pagtatayo ng nabanggit na warehouse na inaasahan ding magseserbisyo sa mga kalapit na lalawigan sa rehiyong Mimaropa.

“Mahalaga ito, lalo na sa panahon ng kalamidad, na hindi na kinakailangan pang manggaling sa Maynila ang mga gamot na kailangan natin. Dapat lamang na laging may mga reserbang gamot na maaaring ibigay sa mga nangangailangan nating kababayan,” pahayag ni Legaspi.

Kaugnay nito, isinagawa kamakailan lamang ng mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna ni Executive Assistant IV Dr. Romeo G. Infantado ang ocular inspection sa dating Provincial Hospital sa Brgy. Ilaya, Calapan City kung saan nakaplanong itayo ang nasabing warehouse.

Samantala, sa lahat ng mga suportang tinatanggap ng lalawigan mula sa DOH, taus-pusong pasasalamat ang ipinaabot ni Legaspi, partikular sa mga tulong na naipagkaloob ng DOH sa pagpapagawa ng mga ospital, Rural Health Units (RHUs) sa Oriental Mindoro gayundin sa pagbibigay ng pondo para sa mga kagamitan upang higit na mapabuti ang serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s