Tagalog news: 325 estudyante nakinabang sa programa ng SPES sa OrMin

CALAPAN, Oriental Mindoro, Hunyo 20 (PIA) – Umabot sa 325 ang kabuuang bilang ng mga natulungang mag-aaral ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng Special Program for Employment of Students (SPES) ngayong 2016.

Katuwang sa pagtataguyod ng SPES ay ang Department of Labor and Employment (DOLE).

Dalawampu’t dalawang araw na nagtrabaho sa mga tanggapan ng kapitolyo, iba’t -ibang paaralan, national agencies at iba pang mga tanggapan ang mga SPES.

Ayon kay Labor and Employment Assistant I Rhenejim A. Dela Cruz ng kapitolyo, ikinonsidera rin ng kanilang tanggapan ang lugar kung saan nakatira ang mga mag-aaral upang mas madali para sa kanila ang pagbyahe. Pinayagang ma-assign sa mga barangay hall sa buong lalawigan ang SPES beneficiaries. Inaasahan ng pamahalaang lokal sa mga benepisyaryo na gamitin sa wasto ang kanilang nakuhang suweldo mula sa SPES program.

Tumanggap ng tig-P3,960 ang mga mag-aaral, 60 porsiyento nito ay mula sa pamahalaang panlalawigan samantalang 40 porsiyento ay mula naman sa pondo ng DOLE. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s