Tagalog news: 310 mag-aaral sa Sta. Maria, Romblon may school supplies mula NGO

STA. MARIA, Romblon, Hunyo 20 (PIA) — Umabot sa 310 maga-aaral sa anim na pampublikong paaralan sa bayan ng Santa Maria ang nakatanggap kamakailan ng school supplies mula sa non-government organization (NGO).

Bago magsimula ang pasukan noong Lunes ay dumating sa nabanggit na bayan ang grupo ng “Banwa ko, Palangga ko” (BKPK) at Project 100-100-100 na pinamumunuan ni Che Ingles ng University of the Philippines (UP) Diliman upang mamahagi ng mga gamit pang-eskwela.

Ang mga batang napagkalooban ng libreng gamit pang-eskwela ay pawang mga mag-aaral na papasok sa Grade 1 ngayong taon.

Ikinatuwa ng mga bata ang pagdating ng biyaya para sa kanila at maging ang mga magulang ng mga ito ay nagalak din sa malaking tulong mula sa non-government organization.

Nagpapasalamat ang mga school heads ng anim na elementary school sa bayan ng Sta. Maria sa naturang NGO dahil umano sa dinami-dami ng mga lugar sa Pilipinas ay napili ang kanilang paaralan na mabigyan ng tulong ngayong taon.

Matatandaan na ang grupo ni Ingles ang nagsulong sa Yellow Boat Project kung saan isanlibong (1,000) residente ng Batac, Bataan ang nabiyayaan nito. Balak din ng grupo na dalhin ang Yellow Boat Project sa bayan ng Sta. Maria sa mga susunod na taon.(RP/DM/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s