Tagalog news: 100 sako ng white corn seeds ipamamahagi sa OccMin

MAMBURAO. Occidental Mindoro, Hun 20 (PIA)—Nakatakdang ipamahagi ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ang may 100 sako ng white corn seeds.

Ayon kay Elsa Reyes, Corn Coordinator ng OPA, ang programang ito ay bilang suporta ng Department of Agriculture (DA) sa mga magtatanim ng mais sa lalawigan. Ilang beses nang kinilala ang Occidental Mindoro bilang Quality Corn Achiever Awardee, na nagpapatunay sa magandang klase ng butil ng mais na nanggagaling dito. Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga white corn na itinatanim sa lalawigan ay ginagawang binhi at binibili ng Institute of Plant Breeding (IPB) ng Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños Laguna.

Ang white corn ay kabilang sa pangunahing pagkain ng mga Pilipino at ginagamit na panghalili sa kanin. Bawat isang sako na ipapamahagi ng OPA ay may timbang na 18 kilo, na sasapat sa isang ektaryang taniman ng mais.

Maaring makipagugnayan ang mga magsasakang interesadong magtanim ng white corn seeds sa Municipal Agriculturists Office (MAO) ng kanilang munispyo. Ang talaan mula sa MAO ang magsisilbing basehan ng OPA sa kanilang pamamahagi ng naturang butil. (VND/PIA 4B/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s