Tagalog news: Tax promo ng OrMin hanggang ngayong Hunyo na lamang

CALAPAN, Oriental Mindoro, Hunyo 17 (PIA) – Ipinababatid ngayon ng pamahalaang panlalawigan sa lahat ng mga magbabayad ng buwis para sa mga ari-ariang di-natitinag na hanggang katapusan na lamang ng buwan ng Hunyo ang itinakdang tax promo para rito.

Matatandaan na ang Oriental Mindoro Realty Tax Promo ay isang programa na nailunsad kamakailan ng pamahalaang lokal sa ilalim ng tanggapan ng Provincial Treasury Office (PTO) na pinamumunuan ni Provincial Treasurer Paz P. Fortunato na naglalayong hikayatin ang mga mamamayan ng Oriental Mindoro maliban sa lungsod ng Calapan na magbayad ng kaukulang buwis sa kanilang mga ari-arian, partikular ang mga nagmamay-ari ng mga ari-ariang di-natitinag.

Inaasahan na sa pamamagitan ng nabanggit na programa ay mababawasan o kung hindi man tuluyang mawawala ang delinquent taxpayers sa buong lalawigan.

Ang realty payments na updated hanggang sa 2nd quarter ng Calendar Year 2016, anuman ang halaga ay bibigyan ng isang raffle ticket na may tatak na “For Grand Draw” na may grand prize na Honda Wave Motorcycle.

Magkakaroon din ng P1,000 consolation prizes para sa 140 mapapalad na taxpayers na tig-10 mula sa bawat munisipyo na may payment stubs mula sa Provincial Treasury Office at mga munisipyo.

Ang prizes ay maaaring kuhanin sa PTO, Calapan City sa loob ng 60 araw pagkatanggap ng written notice at kinakailangang personal na kuhanin ng mismong nanalo, dala ang kanilang valid identification papers. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s