Tagalog news: Pagsasanay ng Junior Red Cross Action Team, isinagawa sa Calapan

CALAPAN, Oriental Mindoro, Hunyo 17 (PIA) – Isinagawa sa lungsod ng Calapan ang 4th Summer Safety Institute for Junior Red Cross Action Team na pinagunahan ng Philippine Red Cross-Mindoro Oriental Chapter (PRC/MOC) kamakailan lamang.

Ang 2016 Summer Safety Institute ay isa sa mga taunang Special Events ng PRC/MOC, hindi lamang para makapangalap ng pondo, kundi bahagi rin ito ng serbisyo ng Red Cross ukol sa Safety Service, Health Services, Disaster Management, Social Services, International Humanitarian Law at Red Cross Youth.

Ang programa ay para sa mga kabataang mag-aaral na nasa Grade 3 hanggang Grade 10. Layunin ng programa ay ang mga sumusunod: 1. Sanayin at paunlarin ang kaalaman at galing ng mga kabataan upang maging bahagi ng kaligtasan sa komunidad at paaralan; 2. Ihanda ang mga kabataan sa pagharap sa mga krisis na sitwasyon, kalamidad at iba pang biglaang pangyayari nang may tiwala sa sarili; 3. Ipabatid sa mga kabataang nagsasanay ang pansariling kaligtasan sa bawat pagkakataon; at 4. Ihanda ang mga Junior Volunteers na manguna at hikayatin ang iba pang kabataan sa pagiging responsable sa panahon ng mga krisis.

Samantala, kabilang sa mga pagsasanay na ibinigay sa mga kabataan ay ang mga sumusunod: First Aid training, Accident Prevention, International Humanitarian Law, Volunteering in Red Cross, Basic of Disaster Preparedness, at Rights, Welfare and Protection of a Child.

May kaukulang registration fee na P1,000 sa bawat kalahok sa pagsasanay. Sa kasalukuyan, ang lingguhang pagsasanay para sa Youth volunteers ay nagpapatuloy at inaasahan na aabot sa may 360 kabataan ang makapagtatapos dito sa Summer Safety Institute para sa taong 2016. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s