Tagalog news: Libreng medical mission ng BJMP, isinagawa sa San Jose District Jail

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Hun 17 (PIA)—Isinagawa ang isang libreng medical mission ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa San Jose District Jail (SJDJ) noong Hulyo 14.

Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng BJMP ng kanilang ikalimang Community Relations Service Month para sa buong buwan ng Hunyo ngayong taon na may temang “Ugnayan at Kaisahan, Serbisyong BJMP Na Maasahan”.

Ayon kay Archie Familara, Para Legal Officer sa SJDJ, makikinabang sa aktibidad na ito ang 82 mga nakaditene gayundin ang kanilang mga kaanak at kaibigan na bumibisita sa mga inmates. Ito aniya ang isang magandang pagkakataon na maipakita ng kanilang tanggapan ang kanilang pagpapahalaga sa kalusugan ng mga inmates.

“Karaniwang sakit ng mga nandito (inmates) ay ubo, sipon, sakit ng katawan, na sa aking palagay ay dahil sa kakulangan sa ehersisyo”, paliwanag ni Familara. Kaya naman bukod sa mga gamot sa ubo, sipon at antibiotics ay mayroon ding mga bitamina na ibinigay sa mga ito.

“Kahit paano, binibigyan din natin sila (inmates) ng gagawin, may board games, at Zumba”, dagdag pa ni Familara. May maliit ding court sa loob ng selda para sa mga nais maglaro ng basketball.

Nagbigay naman ng karagdagang paliwanag si BJMP Regional Director J/SSupt Carolina Borrinaga. Sinabi ng direktor, na ang medical mission ay isang outreach program ng tanggapan na tumutugon sa mandato ng BJMP na ‘safekeeping and development (pagiingat at kaunlaran)’. Ayon pa kay Borrinaga, malaki ang kanyang pasasalamat sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan at mga samahan na naging katuwang ng BJMP. Partikular na binanggit nito ang Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education gayundin ang mga grupong tumugon sa pangangailangang ispiritwal ng mga inmates.

Pinasalamatan din ng direktor ang Philippine National Police Academy Alumni Association BJMP 4B na nagbigay ng gamot para sa medical mission gayundin ang pamahalaang bayan ng San Jose na nagpadala ng medical team mula sa Municipal Health Office. (VND/PIA 4B/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s