Tagalog news: Ika-22 taong anibersaryo ng ‘Pista ng Kalikasan’ gaganapin sa Brooke’s Point

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hunyo 17 (PIA) — Sa Bayan ng Brooke’s Point gaganapin ang ika-22 taong anibersaryo ng ‘Pista ng Kalikasan’. Ito ang inihayag ni Atty. Noel E. Aquino hepe ng Environment and Natural Resources Office (ENRO-Province) ng pamahalaang panlalawigan.

Ang naturang aktibidad ay gaganapin sa Hunyo 17 sa Barangay Calasaguen.

Ang ‘Pista ng Kalikasan’ ay itinataguyod ng ENRO-Province alinsunod sa panlalawigang ordinansa bilang 1296-13 na may titulong Environmental Code of Palawan at Executive No. 23 series of 2011 na naglalayong panatilihin at ingatan ang lalawigan ng Palawan sapagka’t ito ay tinaguriang Mangrove Swamp and Forest Reserve ng bansa.

Ngayong taon nasa mahigit 30,000 mangroves propagules o punong bakawan ang inaasahang maitatanim sa baybayin ng Bgy. Calasaguen. Target ng ENRO-Province ang 75 porsiyentong survival rate ng mga itatanim na bakawan upang makapagbibigay ito ng panibagong pangitlogan para sa mga yamang dagat na naninirahan dito.

Ang aktibidad na ito ay magkatuwang na isasagawa ng ENRO-Province, Pamahalaang Lokal ng Brooke’s Point at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Bilang bahagi ng aktibidad ay magkakaroon muna ng maikling programa sa municipal hall ng Brooke’s Point sa ganap na ika 7:00 ng umaga bago isagawa ang pagtatanim ng mga bakawan.

Inaasahan naman na makikiisa at dadalo sa gawaing ito ang mga ahensiya mula sa pamahalaang lokal, nasyunal, akademya maging ang hanay ng kapulisan at militar kasama ang iba pang non-government organizations (NGOs) sa lalawigan para sa isang maka-kalikasang gawain na ito. (PIO/OCJ-PIA4B Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s